2021 December
-
(While browsing some movies for the grandkids to watch)
Ma: Pang-anim na sine na pala nyan ano?
Me: ???
Ma: Yung Big Hero. Number 6 na pala, yung una lang naalala ko.
#mama
2021 November
-
Ma and I are watching Brad Pitt go to the moon in Ad Astra.
Ma: "Totoo bang may mga ganyan sa outer space?"
#mama
2019 October
-
Me: "Ma, may ruler ka?"
Ma: "Kailangan ruler? Pwede tape measure?"
Me: "Hindi, ruler"
Ma: "Sige, meron ako hanapin ko"
(Maya maya)
Ma: "Kelangan mo pa din ruler?"
Me: "Oo"
Ma: "Hindi pwede eto?" (shows tape measure)
Me: "Hindi"
Ma: "Bakit?"
Me: "Hindi yan ruler e"
2017 February
-
Eksensa sa taxi:
Me: Ma, may pambayad ka? Wala na pala akong barya
Ma: Ay, may utang nga pala ako sa yong P100, eto o.
Me: So, binayaran mo yung utang mo para eto yung ipapambayad ko sa taxi? Good job!
2017 January
-
Ma, watching me play FFXV as I arrive at Alticia for the first time: "Parang hindi naman yan totoo"
2016 May
-
Overheard sa bahay: "Eto ba yung bagong Windows? Yung may bintana?"
2015 December
-
Ma: So si Anakin diba parang bata sya ni Obi-wan?
Me: Oo
Ma: Pero alam nya na anak nya?
Me: Anak nino?
Ma: Si Anakin di ba anak ni Obi-wan?
Me: Hah? San mo nakuha yan?
Ma: Di ba si Obi-wan si Darth Vader?
:D
2014 August
-
"Hindi ako marunong magselfie. Kailangan ko pag-aralan magselfie" - Ma
2014 June
-
(Watching Lion King) Me: Ma, mamatay si Mufasa Ma: Hinde ah! Me: Haha napanood mo na ba ito? (After Mufasa gets caught in the stampede) Ma: Oo nga!
2014 April
-
Pinagalitan ako ng nanay ko bakit daw 10lbs lang ang gamit ko na bowling ball, e pambabae daw yun. 10lbs na kaya yung pinakamabigat na gamit sa lanes namin lol
2013 April
-
Me: Ma, iboboto mo ba si Bam Aquino?
Ma: Ano ba nagawa nun?
Me: Dati syang head ng National Youth Commission, nung time ni Glora
Ma: Sus!
Me: Tsaka kamukha nya si Ninoy. Yun ang importante.
2012 November
-
Me: "Ma, tignan mo to, sugat ba to?"
Ma: "Ano yan, butlig"
Me: "Anong butlig?"
Ma: "Butlig...butlig copy"
-_-
2010 May
-
Alvin: Ma, tama na Scrabble, pagamit ng PC
Ma: Teka lang, dapat respetuhin mo ko nanay mo ko
Alvin: Cum laude ako!
2010 January
-
(Kerwin and I were watching Ma play Scrabble on Facebook)
Me: ang panget ng letters mo
Ma: Meron akong word, di nyo to alam: SUQ
Me: Alam namin yan, market yan sa Marrakesh
Kerwin: Oo nga, nasa Hardy Boys yun
(Tumira si Ma, nakabunot ng “O”)
Kerwin: O, pwede na SOUQ, alternate spelling.
Me: Mali ka, SUKH ung alternate spelling.
Kerwin: Check natin sa Hardy Boys. (Naghukay sa bookshelf, hinanap ang “The Mysterious Caravan”)
Kerwin: O kitam, tama ako e!(..and apparently, may limit ang post length sa Facebook: 420 chars)
2009 September
-
Ma: "Ang yabang mo talaga"
Me: "Ikaw kaya, kakasabi mo lang lamang ka ng 180 pts sa kalaban mo sa Scrabble"
Ma: "Fact lang yun"